NikkiBacolod.com


  Reply to this topicStart new topicStart Poll

> Kaninong Bituin Ang Magniningning?
mary
Posted: Oct 21 2006, 11:48 PM
Quote Post


Moderator
****

Group: Moderators
Posts: 702
Member No.: 10
Joined: 6-December 05



Kaninong bituin ang magniningning?

FOOTLOOSE
LEO M. BUKAS

DALAWA sa mga talent na ini-launch ng Viva Entertainment ay very close to our heart. Sila ay sina Nikki Bacolod at Jay Pe-rillo na produkto ng singing contest ng ABS-CBN na Star In A Million.

Si Jay bago pa man mag-audition for the said contest ay kilala na namin. In fact, isa kami sa mga hiningan niya ng advice kung anong song ang kakantahin niya sa audition. Nag-audition din sa Starstruck ang binata noon kaya lang hindi siya natanggap.

Ang very charming naman na si Nikki ay sa Star In A Million contest na namin nakilala. Naging ka-close namin ang dalawang ito dahil madalas kami sa taping at madalas din namin silang makausap.

Alam ni Nikki na ang katunggali niyang si Mabel (nakalimutan namin ang surname) ang bet namin na manalo noon. Very powerful kasi ang voice ni Mabel compared to Nikki, pero hindi nagdamdam ang bagets na ito sa amin. Palagi pa rin siyang nakangiti tuwing makakasalubong namin.

Pagkatapos ng contest, pumili ang Viva ng ikokontrata nila from the finalist. Masuwerteng napunta sa kanila sina Jay at Nikki. At least, si-gurado na ang dalawa ngayon na hindi lang ang pagkanta nila ang matututukan ng Viva.

Right now, pareho na ring umaarte ang dalawa. Si Jay ay nasa Bituing Walang Ningning samantalang si Nikki ay nasa Posh ng QTV-11.
* * *

SA sampung talents na ini-launch ng Viva, hindi pa sigurado kung sino talaga ang sisikat. Kaninong bituin kaya ang magniningning?

Take note, kahit magagaling kumanta sina sina Jay at Nikki, puwede pa rin namang humabol sina Reb Sibal, Mikaela Hahn, PJ Valerio, Hayca Buenevacs, Ivan Carapiet, Princess Violago, Vince Saldana at Ashley Gruenberg na ka-patid ni Polo Ravales.

Hintayin na lang natin kung sino sa kanilang sampu ang unang mapapansin, huh!

http://www.journal.com.ph/index.php?page=n...date=2006-08-13


--------------------
user posted image
PMEmail Poster
Top
0 User(s) are reading this topic (0 Guests and 0 Anonymous Users)
0 Members:

Topic Options Reply to this topicStart new topicStart Poll

 




[ Script Execution time: 0.0405 ]   [ 12 queries used ]   [ GZIP Enabled ]